Minsan, hindi ko maintindihan ang mga bagay-bagay. Hindi ko maintindihan kung bakit kung minsan pakiramdam ko, napakasama ko ng tao kahit wala naman akong ginagawang masama. Kung meron man akong ginagawang masama siguro hindi ko alam na masama iyon o kaya naman hindi ko maintindihan ang rason kung bakit masama ang isang bagay. Inaamin ko na hindi ako isang mabuting tao ngunit sinisigurado ko naman na wala akong ginagawang makapagpapahamak sa mga tao lalo na sa mga kaibigan ko. Siguro hindi ko alam na minsan, nakakasakit na ako nang hindi ko nalalaman o hindi ako nasasabihan. Siguro nga malaki ang pinagkaiba ng mga konseptong makapagpapahamak at makakasakit. Ako ay ang isang taong mahirap magpatawad kaya minsan wala akong paki-alam kung hindi man ako patawarin ng isang tao. Ako ay isa ring tao na hindi marunong makisama at suplado kung hindi ko gusto ang taong kaharap ko. Ako rin ay isang taong hindi mabilis magtiwala sa mga tao. Sa mga taong malalapit sa akin, alam niyo na naman siguro iyon. Siguro ang mga ito ang mga dahilan kung bakit marami akong mga taong hindi kinakausap o kagalit. Siguro, ito ang dahilan kung bakit mabilis akong magalit o magtampo. Siguro, ito ang mga dahilan kung bakit hindi ako maiintindihan ng ibang tao at hindi ko maintindihan ng ibang tao. Siguro masama talaga akong tao, hindi ko lang alam. Wala nga akong itinuturing na Diyos di ba??? Di ba tama? masama naman talaga ako? Kahit anung gawin ko (mabuti man yun o masama) masama pa rin ako... Salamat na lang siguro sa mga taong nakakaintindi sa akin. Kasalanan ko ba kung bakit ako ganito???
No comments:
Post a Comment